Archive | Uncategorized RSS feed for this section

Ang Kabiyak ng Aking Puso

21 Oct

Marami nang mabubuting personalidad ay nabuo dito sa Paaralang Xavier. Kadalasan ay maririnig mo sa mga general assembly na nagwagi bilang champion ang mga estudyanteng Xaverian. Dahil dito, lumalaki palagi ang aking ulo at ipinagmamalaki ko ang aking pagiging isang Xaverian.

Minsan, naiinis ako sa dami ng mga binibigay na pagsubok at proyekto sa amin. Sa dami ng mga proyekto, kumapal na ang aking palad, at tumatalas ang aking ulo. Ngunit sa gitna ng lahat na ito, natanto ko rin na kailangan namin ito para maging isang mabuting tao.

 Pagdating ko sa high school, bumahag ang aking buntot dahil akala ko na maraming mga masamang tao dito. Ngunit paglipas ng dalawang taon, natanto ko na mabubuti ang mga Xaverian kahit mukha silang mayabang. Nalaman ko na masama ang pagtitingin sa itsura ng libro, ngunit dapat tingnan ang laman ng libro. Bilang Pag-uugnay sa ikalimampu’t limang taong pagkakatag ng Paaralang Xavier,  nais ko maging isang mabuting estudyante dahil ang Paaralang Xavier ay ang dahilan kung bakit matalas ang aking ulo at malaki ang aking puso.

Makalumang Sagot sa Makabagong Problema

12 Oct

Kadalasan ay nakakalimutan nating mga kabataan ang mga makalumang literatura dahil iniisip natin na walang halaga ang mga ito. Iniisip natin na walang silbi ito at wala tayong makukuha sa pagbabasa ng mga ito. Ngunit, ang mga makalumang literatura ay ang pinakamaganda at mahalaga na panulatan dahil ito ang naging mabuting halimbawa at batayan sa mga makabagong literatura. Ang mga gawa ni William Shakespeare ay isa lamang sa maraming lumang panulatan kuung saan pwede tayo matuto ng mga aral para gamitin sa pag sasagot ng ating mga problema bilang kabataan.

 

Ang “William” ay isang dula na nagpapakita ng halaga ng mga gawa ni William Shakespeare, at hindi ko makakalimutan ito dahil marami akong natutunan na makakatulong sa akin bilang isang tao. Sa unang sandali ng pagnonood ng “William”, akala ko na wala akong matututo sa dula na iyon. Lumipas lamang ang ilang minuto habang nanonood ako, at tumaas na ang aking pagiging interesado. Nagsimula ang dula sa isang paaralan kung saan pinapagawa ng guro ang kanyang mga estudyante ng presentasyon tungkol sa mga gawa ni William Shakespeare. Habang nagsasanay ang kanyang mga estudyante para sa kanilang presentasyon, marami ang mga problema na kanilang naranasan. May nahuhusgahan dahil sa pagiging isang bading, mayroong nahihirapan sa pag-aaral, at mayroong din mga may problema sa pag-ibig. Ang mga problema nila, ay kadalasan din ang mga problema na hinaharap natin bilang kabataan. Ngunit sa harap ng mga problemang ito, natuto sila sa mga dula ni William Shakespeare, at sa huli, nalutas nila ang kanilang mga problema. At higit sa lahat, naging mabuti silang tao. Sa parehong paraan, kaya rin natin gamitin ang mga gawa ni William Shakespeare, para lutasin ang ating mga problema.

 

Ang tema ng dula ng “William” ay Pwede nating gamitin ang literatura sa paglulutas ng ating mga pag-araw araw na suliranin dahil ipinapakita ng dula na pwede natin gamitin ang literatura sa paglulutas sa atingmga problema. Ang mga panulatan na ito, ay hindi lamang sulat, ngunit ito ay ang mga naramdaman ng mga may-akda na may mga problema rin dahil sila ay tao lamang, katulad sa atin. Kaya pwede natin gamitin ito sa ating pag-araw araw na problema. Halimbawa, kung may problema ang isang tao sa pag-ibig, magbabasa siya ng kwento tungkol sa pag-ibig upang may matutunan siya galing sa mga naranasan sa mga tauhan ng kwento at lutasin ang sarili niyang problema.

 

Ang “William”, kahit ginamit ang mga lumang ginawa ni William Shakespeare, ay makabago parin dahil ang mga nasulatan ni Shakespeare ay naranasan at nangyayari pa rin hanggang ngayon, tulad ng pagkakaroon ng pag-ibig, at paghuhusga sa kapwa tao. Kaya bilang kabataan, kailangan natin panoorin ang dula na “William” upang matuto natin na gamitin ang literatura para lutasan ang ating mga problema at mas lalo pang bigyan ng halaga ang literatura. Kailangan din natin panoorin ang dulang iyon para matuto tayo na ang panahon na ginawa ang sulat bilang batayan ng halaga ng isang panunulat. At ang pinakaimportante, upang hindi natin kalimutan si William Shakespeare, isa lamang sa maraming gumawa ng magagandang literatura sa buong mundo kung saan makukuha tayo ng mahalagang aral na pwede natin isabuhay.

Kayamanan ng Kalooban

11 Oct

Sa lahat ng mga bansa sa mundo, masasabi ko ang Pilipinas ang aking paborito. Ang Pilipinas ang aking paborito hindi lang dahil dito ako isinilang, ngunit, dahil ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may kulturang nakakaiba, at mga taong kasingganda ng kanilang kalooban. Maraming tao ngayon ay nahihiya na magsabi na sila ay may dugong Pilipino. Ito ay dahil hindi nila alam na maraming nakakaibang bagay ay nakikita lamang sa Pilipinas, at dapat ay ipagmalaki nila ang kanilang pagiging Pilipino.

Ang Chocolate Hills ay isang halimbawa ng mga tanawin na makikita lamang sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay may Chocolate Hills, habang ang mga ibang bansa ay may hills lamang. Ang mga maraming burol na kulay tsokolate at kumpol-kumpol pa ay halos hindi makikita sa buong mundo. Ang “Philippine Eagle” ay ang pinakamalaking ibon sa buong mundo. Ang Pilipinas ay may “Philippine Eagle”, habang ang Estados Unidos ay may “Bald Eagle”.

 

Nasa Pilipinas lang din makikita ang pinakamaliit na bulkan at isda. Dito lang din mahahanap ang mga masasarap na pagkaing malalasahan ang mga kultura ng iba’t ibang bansa tulad ng Estados Unidos, Tsina, at Espanya, habang ang kultura ng mga taong Britanya ay hindi katulad ng kultura ng mga Pinoy dahil hindi sila naapekto ng ibang mga kultura. Ang Boracay ay isa sa mga paboritong tourist destination sa buong Asya, habang ang Paris ang paboritong tourist destination sa Europa. Makikita talaga natin na maganda ang ating bansa at hindi dapat tayo mahiya sa ating pagiging Pilipino. Ngunit, ang talagang nakakaiba sa Pilipinas, ay ang kanyang tao at kultura. Sa Pilipinas lamang makikita ang mga taong kaya pang ngumiti pagkatapos mawasak ang kanilang bahay sa bagyo. Kung may bagyo sa ibang lugar o bansa, lahat ng mga tao ay mawawala ng pag-asa. Subalit dito sa Pilipinas, lahat ng mga tao ay nagtutulungan bilang isang pamilya. Noong People Power Revolution, akala ng mga tao na matatapos ito sa gera, ngunit hindi ito nangyari. Hindi ito nangyari dahil ang mga taong Pilipino ay may malaking puso. Kahit na maliit lang ang bansa natin, maganda ang ating mga tanawin, at maganda rin ang ating kalooban. Ito ay isang bagay na sa Pilipinas lang makikita. Totoo na mayaman ang ibang bansa. Marami silang armas pang-gera, malalaki ang kanilang mga siyudad, at halos hindi sila naapektuhan sa mga kalamidad. Datapwat kahit hindi mayaman ang Pilipinas sa pera, mayaman pa rin tayo sa kultura natin. Isang tingin lang sa isang Pilipino, malalaman natin na hindi siya isang regular na tao. Isa siyang tao kung saan makikita ang mga kultura ng iba’t ibang uri ng mga tao.

Sa kagandahan ng Pilipinas, mahahanga ang lahat ng mga dumadating sa Pilipinas. Totoo na mahahanga sila sa mga tanawin tulad ng Boracay, Banawe Rice Terraces, Chocolate Hills, at iba pa. Pero ang pinakamagandang bagay sa ating bansa, ay ang taong Pilipino. Madalas ay mas nagbibigay tayo ng halaga sa ibang bansa kaysa sa sarili nating bansa Saan mo pa makikita ang mga taong taos pusong nagbibigay at tumutulong sa isa’t isa? Hindi ito mahirap makita. Tumingin ka lamang sa iyong paligid, at makikita mo na ang mga pinakamayaman na tao sa buong mundo, ang taong Pilipino.

Sources: http://willgundran.webs.com/apps/photos/photo?photoid=88349893

http://www.cebu-philippines.net/philippine-culture.html

Blog Entry #1 Ikalawang Antasan

8 Sep

Ang mga estudyante ngayon, ay makapangyarihan. Kaya dapat gamitin natin ang kapangyarihan ito ng mabuti. Ang obligasyon estudyante ay hindi lamang para sa pag-aaral, ngunit para tumulong sa kapwa tao.

Pagsusulat ng Blog, ay isang paraan na pwede tulungan ang mga mahihirap. Dahil gamit ito, pwede tayo dumulot ng pagbabago sa mga tao. Ang mga mahihirap ay dapat natin tulungan dahil sila ay tao rin, katulad natin. Bilang estudyante, pwede ako sumali sa mga programa na tumutulong sa mga mahihirap sa pamamagitan ng pagtuturo. Sasabihin ko sa mga mahihirap, na maglaban hanggang sa huli upang makamit ang kapayapaan. Dapat gawin nila ang lahat para magtagumpay sa mahirap nitong buhay dahil hindi dapat natin ipabayaan ang ating sarili na magdusa.

Lahat tayo ay may papel sa pagtutulong sa mga tao. Hindi bali maliit lang ang binigay natin, basta binigay natin ang lahat. Dahil sa mga makabagong teknolohiya, maraming tao ang gumagawa ng masama. Kaya pwede natin gamitin ang teknolohiyang ito, para sa mabuting dahilan.

 

 

http://lambilos.blogspot.com/2011/05/what-i-learn-about-happiness-in.html

Hindi Uso Ang Pikon (Ako.PH BLOG)

9 Aug

Sa aking pagiging basketball player, marami na ang aking naranasan; Mayroong mga mahihirap, at mayroong din mga masayang karanasan. Subalit sa oras ng kahirapan, palagi mayroon akong natutunan, dahil sa mga pagsubok tayo lumalakas at lumalago.

Noong bago pa ako sa industriya ng basketball, palagi akong pikon kapag natatalo o nafofoul. Palagi ko’ng sinisisi ang referee tuwing natatalo ang team namin. Palagi rin ako’ng galit sa aking mga kakampi tuwing kami ay natatalo. Madalas nga ay tinatawag ako ng mga kakampi ko ng “Pikon Jarone” dahil palagi ako’ng nagagalit. Halos lahat ng laban namin sa ibang team ay napipikon ako at natatalo dahil sa aking pagiging madamot sa bola. Sabi nga nila, magaling ako maglaro ng basketball, pero sayang ang pagiging magaling ko kasi wala raw ako’ng teamwork. Kung lahat ng manlalaro sa isang basketball team ay magaling, ngunit kulang naman sa mahalagang elemento ng teamwork, walang silbi ang husay nila.Dahil dito, natutunan ko na hindi maganda maging pikon at hindi magbabago ang resulta ng laban kapag ikaw ay naging pikon. Kapag natalo ako at nagalit sa referee, wala naman magbabago sa kinalabasan ng laban, kaya bakit pa ako magagalit? Sinemento ko ang kaisipan na ito sa aking utak. Ano ang naging resulta nito? Tagumpay. Halos lahat ng mga laban namin ay nagwagi kami bilang All-Star Championships sa buong Pilipinas.Nanalo rin kami ng Olympic Gold Medal sa basketball para sa Pilipinas. Nagkaroon din ako ng bagong girlfriend na isang super model. Hindi kami naging Champions para sa aming sarili, ngunit naging Champions kami para sa bawat Pinoy na nais maging isang tunay na mahusay na basketball player. Ang naging epekto nito ay hindi lamang makikita sa team ko, ngunit sa buong pilipinas. Pinagmamalaki ng Pilipinas ang pagbabago ng puso ng Basketball Player na si Jarone “Halimaw” Tung. Mga tagahanga, hindi sinusukat sa husay at galing ang pagiging matagupay. Ngunit, sinusukat ito sa sipag, at pagiging mapagkumbaba. Magugustuhan ka pa ng mga babae dahil sa iyong pagiging tunay na cool dahil ang pagiging mapagkumbaba ay isa sa mga “Pogi Points” na tinatawag.

Sa aking mga karanasan, masasabi ko sa inyo na hindi madali maging isang mapagkumbaba na basketball player. Kailangan mo pigilan ang iyong sarili sa pagiging mayabang, at pagiging pikon. Kung tiningnan mo ang mga mahuhusay na atleta ng Pilipinas, makikita mo na hindi sila mayabang. Makikita mo na hindi silang tao para sa kanilang sarili, ngunit nananalo sila para sa buong bansa. Kung gusto mo maging isang tunay na atleta, hindi kailangan ang pagiging husay, gwapo, at lakas. Ang kailangan lamang para maging tunay na atleta ay ang magandang loob, at ang puso para sa buong bansa. Dito mo makukuha ang determinasyon na kailangan mo para manalo. Kaya, kung magiging basketball player kayo sa kinabukasan, alalahanin niyo ang sulat na ito. Huwag niyo’ng kalimutan ang mga katangian ng tunay na atleta. Matuto ka sa mga karanasan ko, at maging tunay kayo na cool. Kung gusto niyo maging katulad ko, kailangan niyong malaman na ang totoong cool ay hindi napipikon. Ang totoong cool, ay cool sa kalooban, at sa kalabasan.

Ang mga Magulang ko’ng Malayo, pero Malapit sa Aking Puso

4 Aug

Mapagmahal at nakakaunawa ay mga katangian ng mga magulang. Minsan, akala natin na ang mga magulang natin ay hindi kailanman nangdiyan para sa atin. Akala natin na mas mahal nila ang kanilang trabaho kaysa sa sarili nilang anak. Ngunit hindi ito totoo. Mapapatunayan ko ito sa isang karanasan na nagdulot ng pagbabago sa aking buhay.

Noong bata ako, madalas ako’ng nananatili sa bahay para maglaro ng video games. Dahil sa video games, nasanay ako na pag-uwi ko sa bahay, maglalaro nalang ako ng video games at hindi papansinin ang aking pamilya. Habang naghihirap ang aking mga magulang, kahit pagkukuwento ay wala sa aming relasyong napupudpod.  Dahil bata pa ako, hindi ko pa nakita ang kahalagahan ng relasyon ng anak sa magulang. Tumuloy nalang ito habang kumokonti nalang ang mga beses na nakikita ko ang aking mga magulang hanggang na dumadating nila kung tulog na ako.

Malaki na ako ngayon, at dito ko lang nakikita ang kahalagahan ng relasyon ng magulang sa anak. Minsan, iniisip ko na hindi ako mahal ng aking mga gulang dahil hindi nila ako pinapansin na masyado. Dahil dito, naapekto ang aking kalooban. Isang araw, kumain ang aking pamilya ng tanghalian sa isang mall. Habang kumakain, kinamusta ako ng aking tatay. Sinabi ko ang mga nangyari sa iskuwela at doon nagsimula ang isang magandang kuwentuhan. Dito ko naunawaan na ang dahilan kung bakit palagi nasa labas ang aking mga magulang ay upang makapunta ako sa isang magandang paaralan at mag aral ng mabuti. Dito ko rin nalaman na ang laki ng pagmamahal ng aking magulang sa akin. Nagtatrabaho sila araw araw at umuuwi ng sobrang pagod, para lang sa akin.

Ang tunay na magulang ay hindi isang magulang na binibigay ang lahat ng iyong gusto. Ang tunay na magulang na hindi mo nakikita, ngunit nararamdaman pa ang mahal. Totoo na ang kalayuan ay nagpapahirap ng relasyon ng pamilya sa isa’t isa, pero sa isang tunay na magulang, kahit anong pagsubok ay nilalampasan sa kapangyarihan ng pag-ibig, ang pinakamalakas na puwersa sa buong daigdig.

Filipino Blog Entry #3

8 Jul

Sabi nila, mahalaga raw ang lumingon sa nakaraan. Para sa akin, mahalaga rin ang tumingin sa kinabukasan.

Paglaki ko, sisikapin ko ang aking pag aaral. Gagawin ko ang lahat para lumago at umunlad sa buhay, at sa proseso, tutulungin ko ang mga mahihirap.  Tatayo ako ng isang malaking negosyo. Sisiguraduhin ko na hindi magtatrabaho ang aking mga magulang.  Ipagtatrabaho ko ang mga tao para magkaroon ng sila ng pera. Maglalaro ako ng maraming games. Bibili ako ng mga gamot para sa mga mahihirap.

Totoo na importante ang tumingin sa nakaraan. Kaso lang, hindi dapat tayo manatili sa mga nangyari na. Kailangan natin tumingin sa kinabukasan upang malaman natin kung saan tayo dumaraan.

Blog Entry #2 (Sitwasyon 1)

6 Jul

           Ngunit masakit sa akin na mamamatay ang aking matalik na kaibigan, kailangan ko rin iyan tanggapin dahil kapag mamatay siya, ito ang desisyon ng Panginoong Diyos. Ang magagawa ko lamang ay manalangin sa Diyos dahil kapag magnakaw ako ng gamot sa botika, hindi ko rin maibibigay ang gamot kapag mahuli ako, kaya hindi ko pwede iyan gawin, dahil ang laki ng panganib. Kahit mamamatay na ang kaibigan ko, sigurado ako na rerespetuhin ng kaibigan ko ang kahit anong desisyon ko. Alam ko na kung magnakaw ako ng gamot, hindi rin siya matutuwa kahit hindi ako mahuli. Alam niya na mas importante sa mata ng diyos na gumawa ng mabuti kaysa sa gumawa ng masama kahit makakasagip ka ng buhay.

Filipino Blog Entry#1

6 Jul

“Ang taong hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, ay hindi makakarating sa pinaroroonan.” Ito ang isang kasabihan na sa tingin ko ay totoo at mahalaga sa mga buhay natin. Ang larawan na ipinikita ko ay isang pagpapakita ng isang taong hindi marunong tumingin sa kanyang pinanggalingan. Kahit noon ay mahirap ka, at ngayon mayaman ka na, kapag hindi mo binalikan ang mga tumulong sa iyo, walang silbi ang iyong kayamanan. Para sa akin, lahat ay nagyayari para sa isang dahilan. Kapag naging mayaman ka, maaring ito ay upang tulungan mo ang mga tumulong sayo. 

Hello world!

28 Jun

Welcome to WordPress.com. After you read this, you should delete and write your own post, with a new title above. Or hit Add New on the left (of the admin dashboard) to start a fresh post.

Here are some suggestions for your first post.

  1. You can find new ideas for what to blog about by reading the Daily Post.
  2. Add PressThis to your browser. It creates a new blog post for you about any interesting  page you read on the web.
  3. Make some changes to this page, and then hit preview on the right. You can alway preview any post or edit you before you share it to the world.