Archive | Uncategorized RSS feed for this section
Image

The Behavior of Matter

12 Jul

The Behavior of Matter

Jarone Tung H3B-37 Brochure

The Behavior of Matter

12 Jul

ImageJarone Tung H3B-37

Kahalagahan ng Florante at Laura sa ating buhay

21 Feb

Huwag sumuko sa harap ng malaking problema. Sumunod ang mga utos ng iyong mga magulang. Ipaglaban ang iyong iniibig. Huwag maniwala agad sa naririnig sa tsismis. Gawin mo sa ibang tao kung ano ang gusto mong gawin nila sa iyo. Lahat ito, ay mga aral na aking natutunan sa aking pagbabasa at pagtatalakay ng Florante at Laura na naganap sa klase.

Ang Florante at Laura ay isang awit na napakayaman sa mga aral na maaari nating gamitin as ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang Florante at Laura sa ating buhay, bilang isang tao, estudyante, mamayan, pinuno, ama, anak, at iba pa. Si Florante, kahit inakala niyang tinaksil siya ni Laura, ay hindi sinuko ang kanyang pagmamahal kay Laura. Sa huli, nalaman niyang hindi siya tinaksil ni Laura, at pareho ang kanilang mahal sa isa’t isa. Naging tapat sila hanggang sa huli. Sa ating buhay, maaari nating gamitin ang aral na ito. Kahit sa mga simpleng sitwasyon, pwede nating gamitin ang aral na ito sa ating buhay. Halimbawa, akala mo na iba ang minamahal ng kasintahan mo, dapat ang gawin mo ay maghintay at obserbahan ng mabuti ang iyong kasintahan, para malaman kung talagang siya ay nagtaksil. Lahat ng kabanata sa Florante ay may matutunan na aral. Ngunit sa huli, depende ito sa atin kung paano nating isasabuhay at gagamitin ang mga aral na ito. Kailangan nating matuto na tumingin sa ating pinagdaanan, at gamitin ang mga natutunan natin sa Florante at Laura.

Laki sa Layaw Filipino

10 Feb

“Mga laki sa layaw karaniwa’y hubad sa bait at munit sa hatol ay salat. Masaklap na bunga ng maling paglingap habag ng magulang na irog ang anak.” Ang ibigsabihin nito, ay ang mga batang laki sa layaw, at masarap ang buhay, ay magdudusa at maghihirap sa kanyang pagtanda. Maiiugnay ko ito sa aking buhay, dahil isa rin akong laki sa layaw. Kadalasan kapag may gusto ako, binibigyan ito sa akin ng aking mga magulang. Ngayon na malaki ako, nararanasan ko na ang kahirapan ng mundo, dahil minsan kailangan kong maglakad pauwi kung mahuli ang drayber namin. Inaamin ko rin na nahihirapan ako mag desisyon, dahil kulang ako sa mga karanasan. Kahit na nahihirapan ako sa kasalukuyan, hindi ko parin sinisisi ang aking mga magulang, dahil naiitindi ko ang kanilang sitwasyon. Naghihirap silang buhayin ang aming pamilya, at minsan ay walang oras para bantayin ako. Sa lahat ng ito, masasabi ko na mahal na mahal ko pa rin ang aking mga magulang.

Ang Solusyon Sa Ating Mga Problema (Sanaysay na nangangatwiran)

9 Feb

Ang Florante at Laura ay isang awit na napakayaman sa mga aral na maaari nating magamit sa ating buhay. Isa rin ito sa mga awit na nilikha ng mga mahuhusay na Pilipinong manunulat noong panahon ng Kastila, at ipinapakita ang kahusgaan na nangyari noong panahon ng Kastila. Ang Florante at Laura ay nagsisimbolo rin ng kalakasan ng taong Pilipino, at ang ating determinasyon na lutasin ang ating mga problema. Ngunit, pinag-iisipan itong tanggalin sa kurikulum ng mga estudyante.

 

Kapag tinignan nating mabuti ang mga problema na naganap sa Florante at Laura, maiiugnay natin ito sa mga isyu na nangyayari at nakikita sa ating lipunan. Isa sa mga isyu na iyon, ay ang paghuhusga sa kapwa na nangyayari pa rin hanggang ngayon. Sa Florante at Laura, makikita natin na ang mga Moro at Kristyano ay magkalaban, tulad ni Aladin at Florante. Ngunit, kahit na magkaaway sila sa relihiyon, nagtulungan pa rin sila, at sa huli ay nalutas nila ang kanilang problema. Dito natutunan natin na ang lahat ng tao ay pareho lamang, kahit anumang relihiyon. Pareho ito sa problema sa Mindanao. Ang mga Kristyano at Muslim ay nag-aaway, at ang masamang epekto nito ay nararamdaman ng buong mundo, tulad ng mga rebeldeng pumapatay ng mga taong Kristyano. Pangalawa, ay ang pagkakurakot at ang mga abuso na ginagawa ng Gobyerno. Sa Florante at Laura, si Adolfo, ang masamang hari, ay nagpatay ng napakaraming tao. Pinapatay ng kanyang gobyerno ang mga mabubuting tao, habang ang mga masasamang tao ay pinapala at namumuno sa gobyerno. Kailangan nating buksan ang ating mata, dahil nangyayari din ito sa ating kapaligiran. Isang halimbawa ay ang gobyerno noong panahon ni Ferdinand Marcos. Ang kanyang gobyerno, tulad ng gobyerno ni Adolfo, ay mahilig sa puwersa, at ginagawa ang lahat para manatili sila sa kanilang posisyon. Isang halimbawa ng kanilang ginawa ay ang pagpapatay kay Ninoy Aquino. Ang mga bagay na ito, ay nangyayari talaga sa mundong ito, at mahirap talaga itong pigilan. Ngunit sa pagbabasa ng Florante at Laura, malalaman natin ang mga solusyon sa mga problemang hinaharap natin. Malalaman natin na ang totoong solusyon sa lahat ng mga problema, ay ang pagmamahal sa kapwa tao. Iniisip ng mga tao na masyadong mababa na sabihin ang pagmamahal ay ang solusyon sa ating mga problema, pero totoo na nagdudulot ito ng pagbabago. Tulad sa Florante at Laura, nalutas nila ang kanilang mga problema sa pamamagitan ng pagmamahal sa isa’t isa. Kung hindi tinulungan ni Aladin si Florante, at si Flerida kay Laura, hindi nila makuha ang kanilang mga gusto. Sa pagbabasa ng Florante at Laura, ay matututo din natin ang iba’t ibang aral na maaari nating gamitin sa totoong buhay. Malalaman ng mga estudyanteng magbabasa ng Florante at Laura kung paano magmahal sa kapwa tao. Mahalaga talaga ito, dahil ito ang kulang sa ating bansa. Kadalasan ay hindi natin tinutulungan ang mga taong mahihirap na nakikita natin sa kalye, kaya tuloy hindi umaahon ang mga mahihirap sa ating bansa.

 

Bilang isang estudyanteng nagbasa ng Florante at Laura, alam ko na mayroon itong maraming aral na maari nating gamitin sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ang Florante at Laura ay dapat manatili sa kurikulum ng mga estudyante, dahil nilalabas nito ang kabutihan sa bawat taong nagbasa ng awit na ito. Naniniwala ako na ang mga bida sa Florante at Laura tulad ni Aladin at Florante, ay maaaring maging mabuting halimbawa sa mga mambabasang estudyante. Sa lahat ng ito, naniniwala ako na uunlad muli ang bayang Pilipinas. Dahil ang kabataan ay ang pag-asa ng kinabukasan, kailangan nilang mag-aral ng mabuti, para malaman kung paano nilang lutasan ang mga problemang haharapin ng ating bansa. Ang pagtatanggal ng Florante at Laura ay hindi makakabuti sa ating bansa, at dapat ito manatili sa kurikulum ng mga estudyante sa buong Pilipinas.

Saturday Outreach Program Journal Entry #4 (Final)

28 Jan

For the past 3 weeks, my whole class and I have been going to Boystown every saturday to have our SOP. Each time we arrived, from the first day to the last, we were all greeted with smiles stretching from ear to ear. Even as we prepared to leave, their comforting smiles did not leave their faces. These kids were always cheerful, loving, and positive, despite their difficult situation. This is what you call being strong- The ability to move forward even when faced with difficult challenges.

The first time I arrived in Boystown, I felt deep pity in my heart for these kids who were abandoned by their parents. Some were found in the streets, and some were found in trash bins. Now that I was able to get to know these kids well, the pity that I had felt for them initially was slowly turning to admiration. This is because that through their actions, I was able to see their vigilance. Whenever they wanted something, they strive to get it, and this is what I believe, most of us lack. We often just stay put and use our prayers as an excuse for our laziness, but this is wrong. These kids, have showed me what it means to be strong, and for this I admire them.

I will truly never forget this experience, and I will cherish it my entire life. I will use this experience as a newfound inspiration to follow my dreams and never give up. Words cannot express my gratitude to everyone who made all of these things possible, for it has brought about a new chapter in my life. Like these kids, I will strive to be someone useful to society, in any way I can; whether through charity, creating a company, designing houses, cooking food, and painting a masterpiece.

Hindi Ako Sang Ayon Sa K-12!

26 Jan

Ang kahirapan ay ang pinakahalatang problema ng bansang Pilipinas. Ang kahirapan na ito, ay dulot ng mga batang hindi nag aaral, at nahihirapan maghanap ng trabaho paglaki nila. Ngunit may isang programang sinasabi ng Dep-ed, na makakatulong sa problemang kahirapan, at ito ay ang K-12 systema ng edukasyon.

Ang K-12 systema ng edukasyon, ay isang systemang kung saan kailangan ng estudyanteng mag-aral ng labindalawang taon. Sinasabi nila na dahil sa pinahabang oras ng pag-aaral ng mga estudyante, makakadali ito sa kanilang paghahanap ng trabaho pagkatapos nila mag-aral. Ngunit, base sa mga aral na ginawa ng mga experto, bali wala ang K-12 sa Pilipinas, dahil hindi kaya ng mga mahihirap na gumastos para sa mga bagay edukasyon, tulad ng mga gamit sa klase, at mga gamit para sa mga proyekto. Kaya bali wala rin ang K-12, dahil malaki ang posibilidad na hindi nila matatapos ang kanilang pag-aaral.

 

Ang mga taong Pilipino ay tuluyang naghahanap ng mga solusyon para sa kanilang mga problema. Tama ito, ngunit kailangan din natin maalala, na ang totoong solusyon sa kahirapan natin, ay nasa puso ng bawat Pilipino, at ito ang pagmamahal. Hindi natin kailangan ng K-12 systema ng edukasyon, kailangan lang nating magpakita ng malasakit sa kapwa nating Pilipino upang umunlad ang ating bansa.

Bente Singko (Filipino Tula Pasko)

2 Dec

Bente Singko

Pasko, nangdito na ang Pasko

Ang panahon para maging masaya

Pasko, nandito na ang Pasko

Pasalamatin natin ang Diyos sa taas

O Hesu Kristo, ang aming Diyos

Dumating ka dito, sa bente singko

Ipagdidiriwang namin ang araw na ‘to

Dahil ito ang araw Mo

Pasko, nangdito na ang Pasko

Ang panahon para maging masaya

Pasko, nandito na ang Pasko

Dahil ito ang araw Mo

Puso nati’y buksan

At taos pusong bigyan

Tila tayong anghel

Kaya tara na sa langit kumanta

Pasko, nangdito na ang Pasko

Ang panahon para maging masaya

Pasko, nandito na ang Pasko

Dahil ito ang araw Mo

Dahil hinding hindi niya tayo

Hinding hindi niya tayo, iiwan

Kaya tayo na, tayo na

tayo na’t sa bente singko magsaya!

Kakampi Kong Tapat

17 Nov

Kakampi Kong Tapa

Ikaw ang aking sandata

Ang tanging nagpoprotekta

Sa isang mahinang tao

At ang taong ‘yan ay ako

Sa dami ng problema ko

Ika’y aking inspirasyon

Ikaw ang masasabi kong

Kabiyak ng pusong ito

Sa puwersa mong matindi

Puno’t bundok nagagalaw

Langit, dagat mabubukas

Para ikaw ay masundan

Pag-ibig mong walang katapat

kasinlaki ng daigdig

At kasintamis ng kendi

Lahat iyong minamahal

Ikaw lang ang nakikini

g Sa mga problema kong malaki

O, Diyos, para sa iyo

Nagiging araw ang gabi

Ikaw ay mapagkumbaba

Naging tao ka’t nagdusa

Para lang sagipin kami

Ang iyong mga kakampi

Bamboo-Noypi, Ang Aking Paboritong Awit

10 Nov

Bamboo- Noypi

Tingnan mo ang iyong palad
Kalyado mong kamay sa hirap ng buhay
Ang dami mong problema 
Nakuha mo pang ngumiti
Noypi ka nga astig
Saan ka man naroroon
Huwag kang matatakot
Sa Baril o Patalim
Sa bakas na madilim… 

Chorus:
Hoy, pinoy ako! 
Buo aking loob, may agimat ang dugo ko
Hoy, oh pinoy ako! 
May agimat ang dugo ko… 
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/b/bamboo/noypi.html ]
Sinisid ko ang dagat
Nilibot ko ang mundo 
Nasa puso ko pala hinahanap kong gulo 
Ilang beses na akong muntikang mamatay 
Oh, alam ko ang sikreto kaya’t andito pa’t buhay. 

Oh sabi nila may anting anting ako pero di nila
Alam na Diyos ang dahilan ko… 

Hoy, pinoy ako! 
Buo aking loob, may agimat ang dugo… 
Hoy, oh pinoy ako! 
May agimat ang dugo ko… 

Ohh… ooohh… 

Dinig mo ba ang bulong ng lahi mo? 
Isigaw mo kapatid, ang himig natin… 

Hoy, pinoy ako! 
Buo aking Loob, may agimat ang dugo ko! 
Hoy, oh pinoy ako! 
May agimat ang dugo ko

Ohh… ooohh…

Lyrics galing sa http://lyricsmode.com 

Ang kantang ito ay ang aking paborito dahil maganda ang mensahe nito at marami akong natutunan sa mga salita na ginamit. “Hoy, Pinoy ako!” Sa mga mga salita na iyan, nalalaman natin na ang kantang ito ay hindi isang ordinaryong kanta. Ngunit ang kantang Noypi, ay isang kanta na nagpapasigla sa taong Pilipino. Ang kantang ito ay nagdudulot din ng mahal ng taong Pilipino para sa kanilang bansang tinubuan. Dahil sa kantang ito, mas maraming pusong Pinoy ang nagiging makabayan dahil sila ay nadadala sa musikang Pilipino. Marami ring mga taong Pilipino ay nagpapalaki ng kanilang pagiging Pilipino ang kumikinig sa kantang ito, kaya gusto ko ang kantang ito dahil isa rin ako sa mga Pilipinong iyon!