Ang Kabiyak ng Aking Puso

21 Oct

Marami nang mabubuting personalidad ay nabuo dito sa Paaralang Xavier. Kadalasan ay maririnig mo sa mga general assembly na nagwagi bilang champion ang mga estudyanteng Xaverian. Dahil dito, lumalaki palagi ang aking ulo at ipinagmamalaki ko ang aking pagiging isang Xaverian.

Minsan, naiinis ako sa dami ng mga binibigay na pagsubok at proyekto sa amin. Sa dami ng mga proyekto, kumapal na ang aking palad, at tumatalas ang aking ulo. Ngunit sa gitna ng lahat na ito, natanto ko rin na kailangan namin ito para maging isang mabuting tao.

 Pagdating ko sa high school, bumahag ang aking buntot dahil akala ko na maraming mga masamang tao dito. Ngunit paglipas ng dalawang taon, natanto ko na mabubuti ang mga Xaverian kahit mukha silang mayabang. Nalaman ko na masama ang pagtitingin sa itsura ng libro, ngunit dapat tingnan ang laman ng libro. Bilang Pag-uugnay sa ikalimampu’t limang taong pagkakatag ng Paaralang Xavier,  nais ko maging isang mabuting estudyante dahil ang Paaralang Xavier ay ang dahilan kung bakit matalas ang aking ulo at malaki ang aking puso.

Leave a comment