Makalumang Sagot sa Makabagong Problema

12 Oct

Kadalasan ay nakakalimutan nating mga kabataan ang mga makalumang literatura dahil iniisip natin na walang halaga ang mga ito. Iniisip natin na walang silbi ito at wala tayong makukuha sa pagbabasa ng mga ito. Ngunit, ang mga makalumang literatura ay ang pinakamaganda at mahalaga na panulatan dahil ito ang naging mabuting halimbawa at batayan sa mga makabagong literatura. Ang mga gawa ni William Shakespeare ay isa lamang sa maraming lumang panulatan kuung saan pwede tayo matuto ng mga aral para gamitin sa pag sasagot ng ating mga problema bilang kabataan.

 

Ang “William” ay isang dula na nagpapakita ng halaga ng mga gawa ni William Shakespeare, at hindi ko makakalimutan ito dahil marami akong natutunan na makakatulong sa akin bilang isang tao. Sa unang sandali ng pagnonood ng “William”, akala ko na wala akong matututo sa dula na iyon. Lumipas lamang ang ilang minuto habang nanonood ako, at tumaas na ang aking pagiging interesado. Nagsimula ang dula sa isang paaralan kung saan pinapagawa ng guro ang kanyang mga estudyante ng presentasyon tungkol sa mga gawa ni William Shakespeare. Habang nagsasanay ang kanyang mga estudyante para sa kanilang presentasyon, marami ang mga problema na kanilang naranasan. May nahuhusgahan dahil sa pagiging isang bading, mayroong nahihirapan sa pag-aaral, at mayroong din mga may problema sa pag-ibig. Ang mga problema nila, ay kadalasan din ang mga problema na hinaharap natin bilang kabataan. Ngunit sa harap ng mga problemang ito, natuto sila sa mga dula ni William Shakespeare, at sa huli, nalutas nila ang kanilang mga problema. At higit sa lahat, naging mabuti silang tao. Sa parehong paraan, kaya rin natin gamitin ang mga gawa ni William Shakespeare, para lutasin ang ating mga problema.

 

Ang tema ng dula ng “William” ay Pwede nating gamitin ang literatura sa paglulutas ng ating mga pag-araw araw na suliranin dahil ipinapakita ng dula na pwede natin gamitin ang literatura sa paglulutas sa atingmga problema. Ang mga panulatan na ito, ay hindi lamang sulat, ngunit ito ay ang mga naramdaman ng mga may-akda na may mga problema rin dahil sila ay tao lamang, katulad sa atin. Kaya pwede natin gamitin ito sa ating pag-araw araw na problema. Halimbawa, kung may problema ang isang tao sa pag-ibig, magbabasa siya ng kwento tungkol sa pag-ibig upang may matutunan siya galing sa mga naranasan sa mga tauhan ng kwento at lutasin ang sarili niyang problema.

 

Ang “William”, kahit ginamit ang mga lumang ginawa ni William Shakespeare, ay makabago parin dahil ang mga nasulatan ni Shakespeare ay naranasan at nangyayari pa rin hanggang ngayon, tulad ng pagkakaroon ng pag-ibig, at paghuhusga sa kapwa tao. Kaya bilang kabataan, kailangan natin panoorin ang dula na “William” upang matuto natin na gamitin ang literatura para lutasan ang ating mga problema at mas lalo pang bigyan ng halaga ang literatura. Kailangan din natin panoorin ang dulang iyon para matuto tayo na ang panahon na ginawa ang sulat bilang batayan ng halaga ng isang panunulat. At ang pinakaimportante, upang hindi natin kalimutan si William Shakespeare, isa lamang sa maraming gumawa ng magagandang literatura sa buong mundo kung saan makukuha tayo ng mahalagang aral na pwede natin isabuhay.

Leave a comment